Thursday, November 22, 2018

11 Arellano Students Biktima ng Holdup sa Jeep



Mag-ingat! Muling nambibiktima ang mga holdaper sa paligid ng Arellano University (AU) - A. Bonifacio Campus sa Pag-Asa St., Caniogan, Pasig City!!!

The following statement came directly from one of the victims:

"Kahapon, 22 November 2018, bandang 8:00 pm may isang jeep sa tapat ng AU na nagtawag ng biyaheng Pasig Palengke. Labing-isa po kaming sumakay lahat.

Pag-andar po namin mga ilang segundo lang po ay may sumakay na dalawang lalaki na malaki katawan. Bigla pong pinatay ng driver ang ilaw sa dyip. Dun na po nagdeklara ng holdap yung dalawang lalaki. Tinutukan po lahat kami ng kutilyo at kinuha lahat wallet at cellphone namin.

Hindi po ginalaw yung driver. Wala pong imik. Tuloy lang po pasada. Bumaba po ako ng Rotonda. Yung iba sa palengke pa po niya dinala. Hindi man lang kami dinala sa pulis. Ngayon ko lang naisip baka kasabwat po driver. Nakaka-trauma po talaga."

It was also found out that this is not the first time that a holdup incident happened in Pag-Asa St where a student of AU was victimized.



We hope the authorities will do something about this --- the admin of AU, barangay Caniogan officials, police and Pasig City government.

No comments:

Post a Comment